Ang "Masining na Pagpapahayag" ay kumakatawan sa mabisa, masining at malinaw na pagpapahayag. Isa ito sa disiplinang kailangang kunin ng sinumang mag-aaral sa alinmang kurso sa kolehiyo. Ang sabjek na ito'y isa sa mga kailangan sa General Education Curriculum.
Sa mabisa, masning at malinaw na pagsusulat, tugon ang wastong pagkatuto ng wastong gamit ng mga salita, wastong pagbuo at pag-aanyo ng pangungusap upang makapagpahayag sa iba't ibang kaurian nito. Kabilang ang paglalarawan/deskriptib; paglalahad/ekspositori; pagsasalaysay/naratib at pangangatwiran/argumentatib.
Ang pagkatuto sa epektib at malikhaing pagsusulat ng bawat mag-aaral ay maaaring, sa kanyang paniniwala ay humantong sa tagumpay, ngayon at sa mga susunod pang araw sa ngalan ng pagsusulat.